1 pang suspect sa Makati City engr slay, timbog

NASA kostudiya na rin ng awtoridad ang isa pang suspek sa pagpatay kay Makati City Engr. Nelson Morales.

Kinumpirma ito ni Police Supt Paulino Belga, deputy provincial director ng Albay Police Provincial Office, na nasa kamay na nila ngayon ang suspect na si Roderick Saysay Sarahan, residente ng Sitio Pinaric, Molosbulos, Libon Abay.

Si Sarahan ay kaanak ng naunang suspek na si Christian Saysay na binawian ng buhay sa ospital dahil sa tinamong tama ng bala dahil sa nangyaring krimen.

Ayon kay Belga, nasabat nila si Sarahan nang magkasa ng follow-up operation ang Provincial Public Safety Management Company at nagkataong nasita nila ito na lulan ng motorsiklo na walang plaka at expired din ang lisensya.

Dahil dito, dinala si Sarahan sa presinto at natuklasan na kasama ito sa mga listahan ng mga wanted persons ng pulisya.

Matapos ang pang-unang imbestigasyon, mula sa Libon ay dinala ang suspek sa Albay Police Provincial Office at doon kinilala at kinumpirma ng dalawa sa witness na isa si Sarahan sa mga armadong kalalakihan na nagpaulan ng bala sa simbahan sa bayan ng Malinao.

Maalalang binawian ng buhay si Engr. Morales noong nakaraang Huwebes, Setyembre 6, sa Cope General Hospital dahil sa tatlong tama ng bala na tumagos sa kanyang tiyan. Habang nakaligtas naman ang kanyang kapatid na vice mayor sa pananambang.

Sa ngayon, hindi pa rin malaman kung ano ang motibo sa pagpatay kay Morales na tatakbong alkalde sa susunod na taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply