1 patay, 2 kritikal sa pananaksak sa Pasay

NAMATAY ang isang lalaki samantalang dalawa ang nasa kritikal na kalagayan nang pasukin ang kanilang bahay ng isang nagwawalang lasing kaninang madaling araw sa Pasay City

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital bunga ng mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Ronnel Remenoque, 23 anyos, vendor at naninirahan sa Block-7 Lot-4 Sto Nino St. ng naturang lungsod.

Samantalang nasa kritikal na kalagayan ang live-in partner ng biktima na si Charissa Advincula at Carlo Remenoque, 34, kapatid ng biktima, dahil sa mga tama ng saksak sa katawan.

Agad na tumakas ang suspek tangay ang patalim na ginamit sa krimen na kinilalang si Jess Advincula, 23 anyos, binata at residente ng Block-9 Lot-4 ng nabanggit na lugar.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Simon Respicio ng Homecide Section ng Pasay City Police, ang insidentew ay naganap dakong 1:30 ng madaling araw nang pasukin ng lasing na suspek ang bahay ng mga biktima.

Armado ng patalim, agad na pinagsasaksak ang mga natutulog na biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Tinangka pa ng kapatid na awatin ang supek sa gingawang karahasan subalit pati ang ito ay inundayan ng saksak sa katawan.

Inilunsad na ng awtoridad ang malawakang paghahanap sa suspek upang panagutin sa ginawang krimen na posibleng hindi pa nakalaalayo sa naturang lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply