1 patay, 2 sugatan sa pamamaril ng 3 holdaper

UTAS ang isang kelot habang maluhang sugatan naman ang dalawa matapos itong pagbabarilin ng tatlong pusakal na holdaper ng manlaban ang mga una Linggo ng gabi Sept. 9, sa Northbay Boulevard South, Navotas City.

Dead on spot si Jay Ar Camera, 22, binata, ng nasabing barangay sanhi ng tinamo nitong mga tama ng bala ng  9mm pistol sa dibdib.

Inoobserbahan naman sa Tondo General hospital sina Josefina Malati, 57, at si Geronimo Mecio, 44 pawang taga Mandaragat St.,NBBS sanhi ng mga tinamo ng tama ng baril sa katawan.

Base sa imbestigasyon ni P02 Exiuel Sangco ng Station Investigation Division (SID) ng Navotas police, dakong alas 9:00 ng gabi ng maganap ang insidente s kahaban ng Mandaragat st sa nasabing barangay.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek na nakilala lamang sa mga alyas na Jonh, Noknoy at Oweng bitbit ang kanilang mga ginamit na armas.

Nabatid na magkasamang naglalakad ang mga biktima ng biglang lapitan ng tatlong suspek  at agad nagdeklarang holdap subalit agad nanlaban si Jay Ar kaya agad itong binaril ng malapitan sa dibdib na agarang ikinasawi.

Habang ang dalawa pa ay pinaputukan din sa katawan saka mabilis na tumakas ang mga suspek

Patuloy na ngsasagawa ng follow-up operations ang mga awtoridad laban sa mga nasabing mga holdaper  sa  Navotas at sa Tondo, Manila

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply