1 patay, 30 kritikal sa trak na sumemplang

NASAWI  ang isang lalaki habang sugatan naman ang tinatayang 30 pasahero ng Elf truck na papauwi na sana ang mga magkakamag-anak galing sa piyestahan sa  Brgy. Quarry, Javier, Leyte.

Naganap ang aksidente sa  Brgy. San Sotero, Javier, Leyte makaraang mawalan ng control  ang driver ng truck at sumemplang ang naturang sasakyan.

Agad na naisugod ang 10 kritikal na pasahero sa EVRMC habang dinala ang iba pa sa Abuyog District Hospital at sa ilan pang mga pribadong hospital sa Tacloban City.

Ayon sa mga biktima, posibleng nakainom ang driver na si Jing Jing Antero na kasalukuyang ginagamot sa Abuyog District Hospital dahil sa malubha nitong kalagayan.

Hindi pa batid kung sasampahan ng kaso ng mga kaanak ng mga biktima ang driver ng naturang trak.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply