1 patay, 9 sugatan sa salpukan ng van at truck

PATAY ang isang lalaki habang sugatan naman ang siyam na iba pa kabilang ang isang sanggol at limang taong gulang na bata sa naganap na salpukan ng isang Mitsubishi L-300 Van at isang cargo truck sa kahabaan ng Zamboanga City national highway sakop Barangay Curuan ng nabangit na siyudad, ayon sa ulat ng pulisya.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, patay sa sakuna si Edwin Sierre ng Bukidnon at driver ng L-300 van.

Ayon kay Curuan police station chief P/Chief Insp. Ricardo Garcia, papunta sana kamakalawa ng hapon ang L300 van sa Bukidnon lulan ang 10 biktima galing sa isang lugar sa syudad nang mangyari ang aksidente.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na na-okupahan ng naturang van ang kabilang lane kaya nahagip ito ng nakasalubong na cargo truck na may lulang mga tangke ng LPG na nanggaling naman sa Iligan City.

Nagulat pa ang mga pulis na rumesponde ng bumulaga sa kanila ang dalawang colt caliber .45 pistol at apat na KG 9 machine pistol, mga bala ng iba’t ibang mga baril at ang halagang P11,000 na nasa  loob ng van.

Subalit nabatid na pagmamay-ari pala ng tatlong miyembro ng Philippine Navy na kabilang din sa sugatang pasahero ng L-300 van ang mga baril.
.
Ilan sa mga biktima ang nasa kritikal ngayon ang kondisyon dahil sa mga grabeng sugat na tinamo ng mga ito sa naturang aksidente at naka-confine ngayon sa Zamboanga City Medical Center (ZCMC).

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Curuan Police ang driver ng truck na nakilalang si Ernie Tamparong, 44, ng Iligan City habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso sa korte laban sa driver.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply