1 patay sa riot ng magkalabang grupo sa Caloocan City

PATAY ang isang lalaki matapos itong barilin ng hindi pa nakikilalang salarin mula sa kalabang grupo matapos magkaroon ng riotkaninang madaling araw sa Libis Espina St, Caloocan City.

Hindi na naisalba ng mga doctor ng President Diosdado Macapagal Memorial Hospital ang buhay ni Richard  Ronquillo, 33, ng Libis Nadurata ng barangay sanhi ng tinamong tama ng bala sa kanang dibdib ng di pa batid na kalibre ng baril.

Mabilis na tumakas ang grupo na kinaka-aniban ng isang salarin na nakilala lamang sa alyas na Wilfredo sa nasabi ring lugar.

Ayon sa ulat, dakong alas 3:30- ng madaling araw ng maganap ang riot ng dalawang magkalabang grupo  sa nasabing lugar.  Biglang nagbunot ng baril ang suspek at malapitang binaril ang biktima sa dibdib.

Dinala ang biktima sa nasabing pagamutan subalit binawian ito ng buhay.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa insidente.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya sa para sa agarang ikadarakip sa nasabing grupo ng kalalakihan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply