1 sa 2 kotong cops sa anak ng NCRPO chief nag-AWOL na

NAGTAGO na o nag-Absent Without Leave (AWOL) ang isa sa dalawang kotong cops na na nangotong sa anak ni incoming National Capital Region Police District (NCRPO) Director C/Supt. Leonardo Espina.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director C/Supt. Mario dela Vega, dahil sa insidente hindi na nag-report sa trabaho si SP04 Jose dela Peña na nangikil sa anak ng heneral.

Nagpakita naman sa Quezon City Mobile Unit (QCMU) ang isa pang pulis na si P02 Resty del Rosario at dipensa nito na sumusunod lamang siya sa kaniyang superior. Ayon kay del Rosario, siya ay naiwan sa sasakyan at pinasunod lamang siya.

Disidido naman si Espina na tanggalin sa hanay ng pambansang pulisya ang dalawang pulis dahil nakakasira sila sa hanay ng organisasyon.

Dahil sa sitwasyon, na-trauma ang anak ni Gen. Espina dahil sa tangkang pangongotong dito ng dalawang pulis.

Sinabi ni Espina na kinakalma nila ng kanyang asawa ang bata at sinasabing hindi lahat ng pulis ay masama.

Nangangamba umano siya na hindi mawala ang trauma, lalo pa at plano nilang dagdagan ang police visibility sa mga lansangan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply