1 sa 3 pumugang preso sa QCPD, sumuko

BALIK-selda na ang isang sa tatlong presong nakatakas nitong nakaraang Setyembre 18, Martes sa Quezon City police detention cell matapos isuko ang kanyang sarili kaninang umaga.

Mismong si QC Rep. Jorge Banal ang nagdala sa presong si Jedi San Luis sa pulisya matapos na ito’y sumuko sa nasabing mambabatas.

Dahil dito, sinabi ni Quezon City Police District Station 10 head Superintendent Marcelino Pedrozo Jr. na mas pinalakas pa nila ang pagtugis sa dalawa pang kasamahang preso ni San Luis. Si San Luis ay may kasong drug-related offense.

Anomang araw, aniya, ngayon ay maibabalik na rin sa selda ang dalawa pang preso na sina Ruel Dante at Jestoni Rebuto, na kapwa naaresto sa kasong robbery-snatching incident. May nagbigay, aniya, sa kanya ng tip kung saan nagtatago ang mga pugante.

Sa kabila nito, patuloy, aniyang, iniimbestigahan ng QCPD ang jail guard na naka-duty na si SPO1 Chester Ticobay para sa kasong ‘negligence’.

Mag-isa lamang si Ticobay sa presinto nang matakasan ng mga preso.

Iimbestigahan din ang iba pang pulis na naka-duty sa istasyon at gigisahin sila kung bakit nila iniwan si Ticobay na mag-isa.

Lumabas sa imbestigasyon, na biglang tinulak ng tatlong preso ang steel gate ng kulungan ng Kamuning police station habang sila ay ipinapasok ni Ticobay na ikinawalan ng balanse nito at saka tumakas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply