1 sugatan sa karambola ng 4 na sasakyan sa Edsa Balintawak

ISA ang sugatan at nagdulot nang pagsisikip sa daloy ng trapiko ang naganap na karambola ng apat na sasakyan sa southbound lane ng Edsa Balintawak.

Batay sa ulat sa radyo, nasalpok ng dump truck na minamaneho ni Jason Lazaro ang isang taxi nang mawalan ng preno ang una.

Dahil dito, nabangga naman ng taxi ang sinusundang van at nadamay ang isang bus.

Nasugatan si Lazaro dahil nabasag ang windshield ng dalang sasakyan.

Dahil sa pangyayari, isang lane lang ng nasabing lugar ang nadaanan ng mga motorista.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply