10 bahay naabo sa Kyusi

(UPDATED) NAG-PANIC ang mga magkakapitbahay makaraang sumiklab ang sunog na tumupok sa may 10 kabahayan sa may Payatas, Quezon City kaninang madaling araw.

Batay sa ulat ni QC Fire marshall Sr. Supt. Bobby Baruelo, nagsimula ang sunog pasado alas 3:05 ng madaling araw sa bahay ng isang Gervacio Apollo sa Phase 1, Block 1, Lupang Pangako, Brgy. Payatas, Quezon City .

Ayon sa ilang kapitbahay, tulog ang mag-anak na Apollo nang mapuna nila na may umuusok  galing sa bahay ng pamilya.

Makaraang malaarma dahil sa sigawan ay mabilis na nagsilabas ang pamilya sa nasusunog nilang bahay.

Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang may 10 pang kabahayan.

Umabot ng hanggang ikaapat na alarma ang sunog bago naapula bandang alas-4:16 ng madaling araw.

Wala namang iniulat na nasaktan o namatay sa nabanggit na sunog.

Pansamantalang dinala sa barangay ang mahigit 120 pamilyang nasunugan.

Tinitingnan ngayon ng mga imbestigador ang nakuhang impormasyon na maaaring nanggaling umano ang apoy mula sa tumagas na tangke ng liquefied petroleum gas (LPG).

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply