10 gramo ng shabu, huli sa mag-asawa

UMABOT sa kabuuang 10 gramo ng methamphetamine hydrochloride, o shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang mag asawa sa isinagawa nilang entrapment operation sa Bukidnon.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang mga nahuling suspek na sina Motilan Bantuas, 21 anyos at asawa niyang si Faisa Bantuas, 20 anyos , kapwa residente ng Panang, Wao, Lanao del Sur.

NAdakip ang mag asawa ng mga elemento ng PDEA Regional Office 10 (PDEA RO10) sa pangunguna ni Director Roberto Opeña matapos nilang bentahan ng 2 plastic sachet ng shabu sa isang PDEA undercover agent sa isinagawang entrapment operation sa Kinura, Kalilangan, Bukidnon.

Nadeskubre pa sa mag asawa ang isang sachet ng shabu na nakasilid sa loob ng utility box sa ginamit nilang motorsiklo.

Dahil dito nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Delivery) at Section 11 (Possession), Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply