10 sako ng panty, towel tinangay ng Indian

ITINAKBO ng isang Indian national ang 10 sako ng panty at tuwalya na kanyang inorder sa isang tindahan sa Ermita, Maynila.

Tinutugis ngayon ng mga tauhan ng Manila Police District-General Asssignment Section (MPD-GAS) ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Jimmy.

Sa reklamo ng mga negosyanteng biktima na si Jacquiline Ngo, 48, ng 1156 Unida St. Bacalaran, Parañaque at Sheryl Simbit, 32, umorder sa kanilang tindahan ang suspek ng 10 sakong tuwalya at panty na nagkakahalaga ng P160,000.

Ayon sa mga complainant, nagkasundo sila na ihahatid ang produkto sa may Petron Gasoline Station na nasa may UN Avenue, Ermita, Maynila, alas-8:30 ng gabi dahil malapit umano iyon sa bahay ng suspek at doon na lang rin babayaran.

Nagkita naman sa lugar ang suspek at si Simbit na siyang nagdala ng produkto at pagdating sa lugar ay inilipat ang produkto sa isang Toyota Revo (WFT-785), habang ang suspek na si Jimmy ay lulan ng motorsiklo na may plakang 6498.

Pinasakay umano ng suspek si Simbit sa kanyang motorsiklo ngunit pagkalipas ng ilang minuto habang tumatakbo ay pinababa umano ng suspek si Simbit dahil wala umano itong suot na helmet.

Wala namang nagawa si Simbit kundi bumaba sa motorsiklo ngunit mabilis na pinasibad ng suspek ang kanyang sasakyan patungo sa hindi malamang direksyon gayundin ang Toyota Revo kung saan nakakarga ang mga produktong hindi pa nababayaran.

Dahil dito, dumiretso si Simbit sa himpilan ng pulisya upang ireklamo ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply