11 MPD-pulis kinasuhan na ng kidnapping, extortion

KINASUHAN na ng kidnapping with extortion ang 10 pulis at hepe ng MPD-Station 4 kaugnay sa pangongotong ng P1 milyon sa balikbayan sa Zambales.

Ayon kay MPD Assistant Director for Operations Sr. Supt. Robert Po, ang kasong isinampa laban kay P/Supt.Rolando Balasabas at 10 pang tauhan nito ay ibinase sa pahayag ng biktimang si Belinda Placido dahil pinigil pa ito ng dalawang araw sa istasyon bago tuluyang pinalaya.

Una nang lumutang si Balasabas sa tanggapan ni Manila Mayor Alfredo Lim at maging si PO2 Joseph Vistan .

Isinailalim na sa inquest proceedings sa Manila Prosecutor’s Office si Vistan.

Matapos pumutok ang isyu ay agad na ipinag-utos ng MPD director ang pagkakasibak sa 11 pulis.

Sa ngayon nasa massive man-hunt operations laban sa siyam suspek na hindi lumulutang para magpaliwanag sa kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply