11 pulis na-rescue ng Navy

LABING ISANG kagawad ng Philippine National police kabilang ang kanilang chief of police ang na-rescue ng mga tauhan ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard habang nagpapalutang-lutang sa karagatan ng salpukin ng malakas na alon ang tatlong pump boat na kanilang sinasakyan sa karagatang sakop ng Zamboanga Sibugay.

Sa report na ibinahagi ni Marine Col Omar Tonsay, taga-pagsalita ng Philippine Navy, nakatangap ang kanilang mga tauhan ng distress call hinggil sa tatlong pumpboat na lumubog sa karagatan at may lulan na
mga pulis kabilang si P/Chief Insp. Arnel Huesca, hepe ng Ipil, Zamboanga PNP.

Ayon sa ulat, naglulunsad ng security patrol ang tropa ni Huesca sa karagatan ng munisipyo ng Ipil ng naturang probinsya na sakop ng kanilang area of responsibility ng mangyari ang insidente.

Hindi umano kinaya ng maliliit na pump boat ang lakas ng mga dambuhalang alon kaya parang papel lamang itong sinalpok at sunod-sunod nang tumaob.

Sa pamamagitan ng kanilang dalang two-way handheld radio, kaagad nakahingi ng saklolo ang mga pulis sa kanilang mga kasamahan na siya rin namang nakipag-ugnayan sa headquarter ng Philipine Navy at Coast
Guard sa probinsya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply