14-anyos bunso huling nirereyp, tatay utas sa 16-anyos

NAPATAY ng 16-anyos na lalaki sa pamamagitan ng taga ang kanyang amain nang mahuling ginagahasa ang bunsong kapatid na babae sa Barangay Baluno, Zamboanga City.

Alas-9:00 ng umaga nitong Huwebes, Agosto 30 nang mangyari ang insidente.

Nabatid na dahil sa sobrang galit ng suspek na itinago sa pangalang Utoy makaraang maaktuhang ginagahasa ng biktima na si Edgar Ramos ang kanyang 14-anyos na kapatid kaya nagawa ng binatilyo na pagtatagain ang nabanggit.

Lumalabas na kinuha ni Utoy ang kanilang mahabang itak at walang habas na pinagtataga ang amain hanggang sa mamatay.

Ayon sa pulisya, hindi na nila naabutan ang suspek dahil kaagad itong tumakas matapos ang nagawang krimen.

Ayaw rin namang isuko ng mismong mga kamag-anak sa pulisya ang binatilyo sa kadahilanang hindi rin umano kasalanan nito kung bakit niya napatay ang kanyang amain.

Hinihintay pa rin ng pulisya ang desisyon ng mga kamag-anak ng napatay at ang mismong binatilyo kung sasampahan pa ba nila ito ng kaso.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply