15-anyos bagets, utas sa niratrat na rock concert

PATAY ang 15-anyos na dalagita matapos mabaril habang nasa gitna ng isang rock concert ng isang sikat na banda sa Laplaya de Roxas People’s Park, Roxas.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, namatay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan si Josefina Adrias ng San Juan, Barangay Baybay, Roxas City sanhi ng isang tama ng punglo sa ulo.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng Roxas City Police Station, nabatid na  aksidenteng tinamaan ng bala sa ulo ang menor de edad habang nakikisaya sa concert ng  sikat na banda na Brownman Revival.

Nabatid na biglang nagkagulo ang mga manonood sa nasabing konsiyerto nang biglang bumagsak  ang dalagita kasunod nang nangyaring away sa pagitan ng dalawang grupo ng kalalakihan.

Kasalukuyang isinasailalim sa imbestigasyon ang magkabilang grupo  upang malaman kung sino sa mga ito ang nagpaputok ng baril.

Narekober naman ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang isang .22 magnum revolver at mga bala.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply