15 kababaihan arestado sa Oplan Bakal ng QC pulis

ARESTADO ang 15 dancers ng isang club makaraang salakayin ng mga pulis dahil sa kawalan ng working permit sa Quezon City.

Kinilala ang mga dinakip na sina Ronalyn Fundales, 24, Jackylyn Yamson,21, Angel Abegail Lopez,20, Joanne Narvaja, 28, Janice Dula, 22, Honey Grace Pascual, 20, Chrizelle Antonio,23, Rosemary Fernandez, 18, Sheila Berba, 24, Sandy Calamanan, 18, Sarah Fae Hortilano,19, Jovelyn de Alca, 23, Mary Rose Gabucan,22, Mary Grace Pajares, 21, at Daisyrie Soriano, 21 years old pawang mga dancers ng Queens Chamber club.

Ayon sa ulat ni chief Inspector Ritchie Claravall hepe ng Quezon City Police District City Hall Detachment sinalakay ang Queens Chamber Club sa Quezon Avenue dakong 10:00 ng kagabi.

Nauna rito nagsagawa muna ang mga pulis ng operation “Oplan Bakal” sa naturang club para paigtingin ang kampanya sa pagbabawal sa pagdadala ng mga baril sa mga pampublikong lugar.

Ngunit ng walang mahuling mga baril mula sa mga kostumer ng naturang club .

Inaresto ang mga dancers dahil sa kawalan ng working permit sa kanilang pagta-trabaho sa naturang establisyemento.

Nahaharap sa kasong sa paglabag sa City Ordinance SP-91, S-93 o working without permit.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply