15 lindol na magnitude 7-7.9, umuuga sa mundo kada taon

IPINAPAALAM sa publiko ng isang professor ng University of the Philippines-National Institute of Geological Sciences (UP-NIGS) na may 15 lindol na may sukat na magnitude 7 hanggang 7.9 ang umuuga sa planeta bawat taon.

Sinabi ni Prof. Mahar Lagmay na may 134 na lindol na may sukat na magnitude 6 hanggang 6.9 ang tumatama sa planeta kada taon.

Sa kabilang dako, ang lindol na may sukat na magnitude 8.0 o mas mataas pa ay isang beses lamang nangyayari bawat taon.

Sinabi pa ni Lagmay na ang magnitude 7.6 earthquake, na katulad ng tumama sa Eastern Samar nitong Biyernes lamang ay maaring magdulot ng malaking pinsala kapag tumama sa Metro Manila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply