16-anyos yaya niluray ng amo

AGAD nagsumbong sa pulisya ang 16-anyos na dalagita na namasukan bilang yaya makaraang gahasain ng kanyang amo sa Sual, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si Abrahim Orpelia, ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, pumasok na kasambahay ang biktima upang maipagpatuloy ng kanyang pag-aaral ngunit hindi inakala ng mga magulang nito na ganon ang sasapitin ng kanilang anak.

Lumalabas na una itong ginahasa noong Setyembre 2011 at huli noong buwan ng Hunyo ngayong taon.

Patuloy pang pinaghahanap ngayon ang suspek.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply