17 partylist organizations, kinansela ng Comelec

KINANSELA na ng Commission on Elections (Comelec) ang 17 partylist groups na nakatakda sanang sumabak sa darating na 2013 midterm elections.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, karamihan sa mga partylist ay nabigong masunod ang basic requirements ng komisyon.

Kabilang ang pagsusumite ng mga kaukulang dokumento at ang iba naman ay hindi nakarating sa mga itinakdang accreditation hearings.

Sa susunod na linggo ay muling maglalabas ng mga disqualified partylist ang Comelec pagkatapos ng kanilang pulong.

Hindi muna isinapubliko ng Comelec ang mga pangalan ng naturang mga organisasyon dahil puwede pa naman silang umapela.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply