Deklaradong holiday, special non-working holiday at special days sa 2013

ISINAPUBLIKO na ng Malakanyang ang nilalaman ng Proclamation 459 kaugnay sa mga deklaradong holiday, special non-working holiday at special days sa darating na taong 2013.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, inilabas ng pamahalaan ang naturang proklamasyon upang ngayon pa lamang ay alam na ng mga manggagawa at mag-aaral kung anu-ano ang petsa ng deklaradong holiday, special non-working holiday at special days sa bansa para sa susunod na taon.

Nakasaad sa Republic Act 9492 na nilagdaan ng dating Pangulong Gloria Arroyo noong July 2007 na ito ang susunding holidays ng publiko maliban na lamang kung ang isang okasyon o paggunita ay may kinalaman sa relihon at kailangang ilipat sa pinakamalapit na araw ng Lunes na ayon naman sa isinasaad ngbatas o binuong proklamasyon.

Tinukoy ni Usec. Valte ang RA No. 9849 na nagsasaad na ang Eidul Adha ay ipagdiriwang bilang national holiday;

Ang EDSA People Power Revolution, ay holiday din dahil ipinanatili nito ang reporma sa politika, social at ekonomiya at nagsilbing inspirasyon sa sambayanang Filipino.

“WHEREAS, Saturday, 30 March 2013 falls between Good Friday and Easter Sunday; Black Saturday, falling between Good Friday and Easter Sunday, has been traditionally declared a special (non-working) day throughout the country because the observance of Holy Week is one of our people’s most cherished traditions and they must be given the full and uninterrupted opportunity to ponder on the significance of Holy Week and to properly observe its traditions with religious fervor, without prejudice to public interest;
WHEREAS, Saturday, 2 November 2013, falling between Friday, 1 November 2013 (All Saints Day) and Sunday, has been traditionally declared a special (non-working) day throughout the country;

WHEREAS, to give full opportunity to our people to properly observe All Saints Day with all its religious fervor which invariably requires them to travel to and from different regions in the country, Saturday, 2 November 2013, may be declared as a special (non-working) day without detriment to public interest,” ang litaniya ni Usec. Valte.

At para naman sa magandang samahan ng isang pamilya ay idineklarang special non-working day sa buong bansa ang Disyembre 24, bisperas ng Pasko.

Nakasaad sa Seksyon 1 ang mga regular holidays at special days para sa taong 2013 na gugunitain sa buong bansa:

A. Regular Holidays
Bagong Taon
Huwebes Santo
Biyernes Santo
Araw ng Kagitingan
Enero 1 (Martes)
Marso 28
Marso 29
Abril 9 (Martes)
Araw ng Paggawa
Araw ng Kalayaan
National Heroes Day
Bonifacio Day
Pasko
Rizal Day
Mayo 1 (Miyerkules)
Hunyo 12 (Miyerkules)
Agosto 26 (Huling Lunes ng Agosto)
Nobyembre 30 (Sabado)
Disyembre 25 (Miyerkules)
Disyembre 30 (Lunes)

B. Special (Non-Working) Days
Black Saturday
Ninoy Aquino Day
All Saints Day

Karagdagang special (non-working) days
Huling Araw ng Taon
Marso 30
Agosto 21 (Miyerkules)
Nobyembre 1 (Biyernses)
Nobyembre 2 (Sabado)
Disyembre 24 (Martes)
Disyembre 31 (Martes)

C. Special Holiday (for all schools)
EDSA Revolution Anniversary
Pebrero 25 (Lunes)

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply