CJ Sereno di pa batid paano isasapubliko ang mga balita sa SC

BINUBUSISI na ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang mga mabisang paraan para maiparating sa publiko ang mga concern at programa ng Korte Suprema kahit tinanggal na nito ang pagkakaroon ng tagapagsalita ng Supreme Court.

Ito ang inihayag ni Deputy Court Administrator Raul Villanueva, ang itinalaga ni Sereno bilang communicator on judicial reforms.

Kaugnay nito, umapela si Villanueva sa publiko ng kaunti pang panahon at pasensya habang nasa yugto pa ng pagninilay-nilay si Sereno sa kanyang bagong papel bilang punong mahistrado.

Hindi, aniya, magtatagal, matutugunan din ng Korte Suprema ang concern ng mga mamamahayag na nagcocover ng hukuman.

Mula kasi nang maupo sa pwesto si Sereno, nangangapa ang mga mamamahayag sa bagong sistemang paiiralin ng SC sa pakikipag-ugnayan sa media makaraang ihayag ni Sereno na nais niyang panatilihin ang “dignified silence” kung saan ang hukuman at mga mahistrado ay naririnig sa mga isinusulat nilang desisyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply