Fashion designer natagpuang patay

NATAGPUANG patay ang isang fashion designer sa loob mismo ng kanyang apartment sa Pandacan, Maynila kagabi.

Ayon sa report sa radio, nakilala ang biktima na si Napoleon Geronimo, 61, na nagtamo ng mga saksak sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Ayon sa Manila Police District homicide investigators, naalerto ang barangay officials ng West Zamora makaraang ireklamo ng mga residente ang masangsang na amoy sa apartment ng biktima sa naturang lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon, huling nakita ang biktima sa labas ng kanyang bahay noon pang Setyembre 14, na nagtatapon ng basura.

Ayon pa sa pulisya, walang nakitang puwersahang pagpasok sa naturang apartment na hinihinalang kilala ng biktima ang pumaslang sa kanya.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply