18 patay sa leptospirosis sa Pangasinan

MAY 18 na ang namamatay sa sakit na leptospirosis sa lalawigan ng Pangsinan matapos tumaas ng 300 porsyento ang kaso ng naturang sakit.

Ayon sa Provincial Health Office ng lalawigan, noong buwan ng Agosto ay 14 na ang binawian ng buhay habang dalawa naman noong buwan ng Hulyo at tig-isa naman buwan ng Pebrero at Abril.

Sa 300 porsyento na pagtaas ng kaso ng nasabing sakit, nakapagtala ng 74 kaso mula Enero 1 hanggang Setyembre 10 ,2012 kumpara noong 2011 na nakapagtala lamang ng 25 kaso sa kabuuang taon.

May pinakamaraming naitalang kaso noong Agosto na umabot sa 54 habang anim naman ang naitala noong nakaraang taon sa kaparehong buwan.

Base sa talaan ng Provincial Health Office, nangunguna naman sa may pinakamaraming kaso ng leptospirosis ang lungsod ng Dagupan.

Sumunod naman ang bayan ng Binmaley, mayroon ding naitalang tig-isang kaso ang bayan ng Asingan, Bani, Urbiztondo, lungsod ng Urdaneta, Umingan, Lingayen at bayan ng San Fabian.

Ang hindi agad paghupa umano ng mga tubig baha at pag-high tide sa ibat-ibang barangay ang sanhi ng maraming kaso ng naturang sakit sa lungsod.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply