18 stude sinapian ng espiritu sa Davao

SINUSPINDE ang klase sa Bayabas National High School makaraang ma-possess ang 18 estudyanteng babae kaninang umaga sa Toril, Davao City.

Nabatid na nagsimulang ma-possess ang mga bata na karamihan umano ay mga 4th year students at isa naman ang nasa 3rd year matapos ang kanilang flag raising ceremony.

Nakilala ang mga estudyante na sina Janice Baguio, Celina Gerson, Lengel Lariosa, Leslie Labaonon Tobiel, Teregen Cotomaro, Jaspher Mae Cotomaros, Crisbel Lu, Riza Luna Amarillo, Angel Nacion, Angel Ross Balerioso, Joyce Torillo, Rona Allonso, Angel Abella, Citi Wadzna Cosen, Cathlen Saraosa, Jennifer Mendito, Shiela Mae Pulay at Mary Joy Oberes.

Unang nasaniban ng masamang espirtitu si Lariosa na mula sa Almond section na sinundan ng 3rd year student na si Labaonon na galing sa section ng Acasia.

Dahil sa naturang pangyayari, tumulong na ang iba’t ibang rehiyon upang paalisin ang masamang espiritu sa katawan ng mga bata ngunit lalo lamang naging malakas ang mga ito na nanlaban pa sa mga nagpe-pray over.

Nabatid pa na nagsimulang maranasan ng mga bata ang pagsanib ng masamang espiritu noong Biyernes.

Dahil dito, kinansela muna ang klase ngayong araw na nakatakda pa sanang magdaos ng pagsusulit ang mga mag-aaral.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply