1 Life, 4 absuwelto sa Sasa warf bombing, pinaboran ng CA

PINABORAN ng Court of Appeals sa Cagayan de Oro City ang ipinataw ng mababang korte na parusang habambuhay sa isa sa limang suspek sa pambobomba sa Sasa Wharf  noong  April 2, 2003.

Sa 35-pahinang desisyon ni Associate Justice Edgardo Camello, pinagtibay ang ruling ni Davao City RTC Branch 12 Judge Pelagio Paguican na nagpapatunay na si Toto Akman ay walang dudang nagkasala sa multiple murder and multiple frustrated murder.

Ayon sa CA, sapat ang ebidensiyang inihain ng prosekusyon na nagpapatunay ng pagkakaroon ng partisipasyon ni Akman sa naganap na pambobomba kung saan ilang katao ang namatay.

Pinawalang-sala naman ng appeals court ang apat na kapwa-akusado ni Akman na sina Jimmy Bululao, Tohami Bagundang/Tohami Ulong, Ting Idar at Esmael Mamalangkas.

Iniutos din ng CA na madagdagan ang halaga ng danyos sa mga naiwang pamilya ng mga biktima mula sa P50,000 para civil indemnity ay ginawang P75,000; ang P50,000 moral damages ay inangat sa P75,000 habang ang P25,000 para sa exemplary damages ay naging  P30,000.

Matatandaan sa naganap na pagsabog na kabilang sa mga namatay ay sina Jemarie Grace Espera, Solidad A. Puno, Mark Gabriel D. Espera, Gadelyn Mae Duran Espera, Bonnel Espera Songaling, Ma. Dulce de Guzman, Albert Gumata, Noriel Juarez, Jay Lord Amarillento, Nicko Banail, John Ray A. Morales, Rodito Asis at Pableta Y. Espera.

Ipinag-utos din ng CA na bayaran ng P40,000 civil indemnity and moral damages ang bawat biktimang nakaligtas at P30,000 para sa exemplary damages.

Itinakda rin ng CA ang labindalawang porsiyentong interest ng danyos kada taon na magsisimula sa April 2, 2003 hanggang sa maisapinal ang hatol sa kaso./Jocelyn Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply