2-3 bagyo papasok sa PAR ngayong Oktubre

DALAWA hanggang tatlo pang bagyo ang papasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong Oktubre, ayon sa ulat kaninang umaga ng state weather forecasters.

Ibinalita naman ni PAGASA forecaster Manny Mendoza, na matapos ang Oktubre, ang bilang ng cyclones na inaasahang papasok sa teritoryong ng Pilipinas ay bababa pa sa Nobyembre at Disyembre.

“Sa Oktubre, dalawa hanggang tatlo ang inaasahan nating bagyo. Sa Nobyembre, isa hanggang dalawa, sa Disyembre, zero to one,” pahayag ni Mendoza.

Pero sa ngayon, sinabi ni Mendoza na may namamataan silang potential cyclone na maaring pumasok sa teritoryo ng bansa pero sinabing malayo pa itona mga 2,000 km silangan ng Pilipinas.

Kapag pumasok sa teritoryo ng Pilipinas ang potential cyclone at maging isang ganap na bagyo, tatawagin itong Marce.

May inihanda na ang PAGASA nalistahan ng mga pangalan ng bagyo para sa 2012, kabilang ang Marce,
Nina, Ofel, Pablo, Quinta, Rolly, Siony, Tonyo, Ulysses, Vicky, Warren, Yoyong at Zosimo.

Pero sinabi ng PAGASA na inaasahang kakaunti ang papasok sa PAR na bagyo sa kabuuan ng 2012 sanhi ng e El Niño weather phenomenon.

Sinabi ni PAGASA forecaster Gener Quitlong na ang naturang phenomenon ay magkakasa ng tagtuyot na tatagal ng ilang buwan, na posibleng tumagal ng hanggang ilang parte ng 2013.

Nauna na rin sinabi ng PAGASA na 19 hanggang 20 cyclones ang karaniwang pumapasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong taon.

Sa ngayon, may 12 cyclones na ang pumasok sa Philippine Area of Responsibility, at ang pinakahuli ay si Typhoon Lawin (Jelawat).

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply