2 ASG sa Dos Palmas kidnapping, arestado

ARESTADO ang dalawang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf group (ASG) na wanted sa kasong kidnapping with serious illegal detention dahil sa pagkakasangkot sa Dos Palmas kidnapping sa Sitio Bukana, Barangay Usukan, munisipyo ng Labason sa probinsya ng Zamboanga del Norte.

Ayon kay AFP MGen. Ricardo Rainer Cruz, commander ng 1st Infantry (Tabak) Division ng Philippine Army, nadakip ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest at kinilalang sina Jojo Imam Pai at isang alyas Aling.

Ayon sa heneral, ang dalawang suspek ay kabilang sa marami pang mga miyembro ng ASG na responsable sa nangyaring hostage taking sa Dos Palmas Island Resort sa Honda Bay sa Palawan province na naganap noong Mayo 27, 2001 kung saan hindi bababa sa 20 mga biktima kabilang ang ilang banyaga ang dinukot ng mga bandido.

Kabilang sa tinangay ay tatlong Amerikano at apat na empleyado ng naturang resort, habang lima naman sa mga biktima ang napaulat na nasawi kasama sina Guillermo Sobero at Martin Burnham, asawa ni Gracia Burnham, na nakatakas sa gitna ng rescue attempt ng militar.

Marami ring mga sundalo ang napatay ng mga bandido sa sumunod na rescue operation para sana maisalba ang mga biktima.

“This success show that we are of help to the PNPin their implementation of law enforcement. Lets continue this bayanihan efforts together with other sectors of the society to achieve long lasting peace and development in our communities. We need to win the peace for the safety and well-being and the attainment of a quality and progressive life for the Filipino people,” ayon sa pa sa heneral.

Kasama ang puwersa ng PNP Criminal investigation and Detection group, sinalakay ng mga elemento ng Army 101st Infantry Brigade bandang alas 10:40 kamakalawa ng gabi ang pinagkukutaan ng mga suspek sa sitio Bukana, Brgy Usukan.

Samantala, dinala na sa isang kampo ng militar sa syudad ang dalawang suspek.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply