2 babaeng tulak, nasakote ng PDEA

DALAWANG kababaihan na umanoy big time tulak ng iligal na shabu ang nasakote ng anti-drug agents ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa aktong nagbebenta nito sa isang poseur-buyer sa Pangasinan  kamakailan lamang .

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang mga nahuling suspek na sina Emily Fernandez, alias Emy, 48 anyos, housewife; at Kim Gama, 22 anyos at kapwa residente sa  No. 165 Estrella Street, Pasay City.

Ang dalawang suspek ay nasakote ng mga elmento ng PDEA Regional Office 1- Pangasinan West Special Enforcement Team sa pamumuno ni Director Roybel Sanchez sa isinagawang buy-bust operation sa harapan ng isang kilalang fast food chain sa Lucao District, Dagupan City, Pangasinan.

Ani Gutierrez malaki ang kanilang paniniwala na sina Fernandez at Gama ay mga big-time na supplier ng shabu sa Dagupan City.

Nakumpiska sa dalawa ang dalawang plastic bags na naglalama ng mahigit kumulang sa 100 gramo ng  shabu  na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso at 3 piraso ng tig P500 na nakaibabaw sa bundles ng  boodle money.

Sina Fernandez at Gama ay nahaharap ngayon sa kasong pagbebenta ng iligal na droga (Section 5), Article II ng  Republic Act 9165, o kilala sa tawag na “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply