2 bahay naabo sa sunog sa Batasan, QC

NILAMON ng apoy ang dalawang bahay at tinatayang umaabot sa halagang P500,000 ang pinsala ng sunog na sumiklab sa Barangay Batasan, Quezon City, kaninang alas-2:00 ng madaling araw

Sa ulat sa radyo ngayong umaga, ayon sa Quezon City Fire Department, umabot pa sa ikalawang alarma ang sunog na tumagal ng isang oras bago tuluyang naapula.

Sa inisyal na ulat, itinuturong nag-umpisa ang apoy sa bahay ng isang Jocelyn Gabriel.

Gayunman, patuloy ang imbestigasyon para matukoy kung ano sanhi ng sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply