2 batang kalye, hinataw ng kadena ng sekyu

LUMATAY sa katawan ng dalawang batang kalsada ang kadenang hinampas sa kanila ng security guard ng isang drug store sa Kamuning, Quezon City.

Dahil hindi naman tinanggap ng Quezon City Police District station 10 ang reklamo ng mga biktima at maging ang mga social workers ay hindi rin umaksyon, kapwa umuwi na lamang ang hindi pinangalanang dalawang kabataan na ang edad ay 11 at 12-anyos.

Pero bago pinauwe ay ginamot naman ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) emergency team ang dalawang biktima na kapwa taga Towerville
Sapang Palay, San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon sa mga biktima, naganap ang insidente dakong alas 2:30 ng kaninang madaling araw sa tapat ng nasabing drug store habang sila ay natutulog sa gilid nito.

Anang dalawa, anim silang natutulog sa lansangan na nasa tapat ng naturang drug store nang bigla na lamang silang hinataw ng kadena ng naturang guwardya.

Ayon pa sa 2, sila lamang ang napuruhan at nagtamo ng latay sa kamay at likod dahil nakatakbo ang kanilang iba pang kasamahan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply