2 bebot, timbog sa pagtutulak ng shabu

DAHILAN sa umanoy mahinang benta sa pagtitinda ng mga spare parts ng motorsiklo at sari-sari store naisipan ng dalawang Ginang na luminya rin sa pagtutulak ng shabu ngunit minalas silang masakote ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa magkahiwalay na buy bust operations noong September 11, 2012.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang mga nahuling suspek na sina Wengie Camo, alias Gee, 39 anyos , nasa watch-list sa pagtutulak ng shabu at residente sa Barangay Tibag, Calapan City, Oriental Mindoro; at Moenan Del Mundo, 51 anyos ,ng No. 3934 Jose Abad Santos Street, Dau, Mabalacat, Pampanga.

Ani Gutierrez, si Camo ay nagmamay-ari ng isang tindahan na nagbebenta ng motorcycle spare parts, habang si Del Mundo naman ay magma may ari ng sari-sari store.

Hiwalay na nagsagawa ng operasyon ang grupo ni Director Bryan Babang ng PDEA Regional Office 4B (PDEA RO4B), under Director Bryan Babang sa Brgy. Tibag kung saan huli sa akto si Camo sa pagbebenta ng shabu sa isang poseur buyer kung saan nakuha sa kanyang pag-iingat ang ginamit na P500 marked money at mahigit 3 sachet ng shabu.

Habang si Del Mundo ay nadakip ng mga tauhan ng PDEA Regional Office 3 (PDEA RO3) sa pangunguna ni Director Lyndon Aspacio sa isang entrapment operation sa Jose Abad Santos Street, after matapos din nitong bentahan ng shabu ang isang poseur-buyer ng PDEA,.

Dahil sa, aniya’y, pagkakahuli sa dalawa ay tumaas umano ng 7.4% ang bilang ng mga kababaihan na nasasangkot sa illegal drug activities at umaabot na sa kabuuang 815 ang mga kababaihan drug personalities ang nasasakote magmula ng taong 2010.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply