2 bersyon ng SALN ni Sereno, ipinagtanggol ng Kamara

IPINAGTANGGOL ni House Majority Leader Neptali Gnzales II si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ukol sa paglabas ng dalawang bersyon ng Statement of Assets, Liab ilities and Networth (SALN) nito.

Paliwanag ni Gonzales na kumpara aniya sa dating Chief Justice na si Renato Corona, ang dalawang magkahiwalay na SALN ni Sereno ay P2 milyon lamang ang diperensya at ito aniya ay agad naitama.

“Sa pagkakaalam ko, less than P2 million lang ang deperensya sa SALN ni Chief Justice Sereno. Pwedeng sabihin na honest mistake. Iyong kay Corona, hindi naman niya kinorek. There was no attempt to correct kahit hanggang ma-impeach siya. Madami pa ding propriedad ang lumabas na hindi kasama sa SALN niya. Yong kay Sereno. Kinorek niya. Pero si Corona, talagang hindi niya isinama.”

Giit pa ni Gonzales, mahalagang naglabas ng correction si Sereno matapos mailathala sa pahayagan ang unang SALN nito.

“Hindi naman masyadong significant ang difference. Whether afterthought or not, hindi ko alam. Basta what I’m saying is that, kinorek niya ang SALN. Di tulad ni Corona, hanggang ma impeach eh hindi kinorek ang SALN.”

Isang araw matapos mailathala ang diumano’y “uncorrected version” ng SALN ay agad naglabas ng pagtatama si punong mahistrado.

Sa ikalawang SALN, lumalabas na ang total assets ni Sereno ay P19,271,778.85 taliwas sa naunang deklarasyon na P19,227,578.85 kung saan nakasaad din dito ang kaniyang pagkakautang na P116,692.24 kay Ma. Sophia Sereno at Ma. Lycette Ramos.

Paliwanag pa ni Sereno na ang pagtatama sa SALN ay pinahihintulutan naman ng batas at ang kaniyang correction ay pinagtibay naman ng Court en Banc.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply