2 ‘carjackers’ todas sa parak

DALAWANG hinihinalang carjackers ang nasawi makaraang mabaril ng mga nakaengkuwentrong pulis sa Cavite, kagabi.

Ayon sa report sa radyo, kasalukuyan pa ring hinahanap ang isa pang kasamahan ng mga ito.

Naganap ang engkuwentro sa Brgy. Manggahan, General Trias, Cavite habang inaalam pa ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan ng mga nasawing suspek.

Base pa sa report, nakasakay ng  black Fortuner-type sport-utility vehicle ang mga suspek nang maganap ang engkuwentro.

Habang patuloy pa ring inaalam ng pulisya ang iba pang  carjacking incidents kung saan sangkot ang mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply