2 Chinese nationals na rescue, kidnapper, todas

DALAWANG Chinese nationals ang na rescue ng mga elemento ng Philippine National Police sa kamay ng mga kidnapper habang aktong nagkakabayaran ng ransom money na nagresulta sa kamatayan ng isa sa mga kasapi ng kidnap for ransom group at pagkasugat ng isang pulis sa lalawigan ng Surigao del Sur.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ng dalawang biktima ng kidnap for ransom operation na sina Leping Lee, 43, at Li Guang Yang, 48, na mula sa Guangzhe, China, kapwa naninirahan sa Brgy. 2, bayan ng San Francisco, Agusan del Sur ng may ilang taon .

Nabatid na bandang ala 1:00 kamakalaw ang hapon ng mailigtas ng mga tauhan ng Barobo Municipal Police Station sa Surigao del Sur ang dalawang Chinese national habang nasa aktong ibinibigay na ang ransom money na kabayaran para sa kalayaan ng mga biktima.

Ayon sa PNP Barobo, dadalhin na sana ang pera sa Brgy. Wakak, bayan ng Barobo nang mamataan ng mga awtoridad ang ginagawang pagkuha ng mga suspek sa pera.

Agad na nabulabog ang mga suspek kaya nagkaroon ng palitan ng putok na ikinamatay ng isa sa mga suspek, habang isang police officer na kinilalang si SPO2 Vicente San Pablo ang nasugatan sa engkuwentro.

Nalaman na dinukot ang dalawang biktima nitong nakaraang Sabado ng alas-8:00 ng gabi kasama ang Pinay na si Jona Lavinia na pinalaya naman dakong alas-3:00 ng hapon noong Linggo.

Humingi ang mga suspek ng P1 milyon kapalit ng kalayaan ng mga bihag subalit hindi umanong kayang mag-produce ng ganoong halaga ang kanilang mga kaibigan kaya nagkatawaran at nauwi ito sa P150,000 ang ransom demand.

Unang narekober sa crime scene ang buong halaga na P150,000 cash at isang caliber .45 pistol.

Habang ang mga biktima naman ay narekober matapos abandonahin ng apat
na mga kidnappers na mabilis na tumakas sakay ng dalawang motorsiklong
naaalarma sa narinig na putukan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply