2 patay, 70 sugatan sa dump truck ni mayor

DEAD on the spot ang dalawang  high school student habang mahigit 70 iba pa ang sugatan nang bumaligtad ang sinasakyan nilang dump truck na pinahiram umano ng Capalonga Municipality sa lalawigan
ng Camarines Norte.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga nasawi na sina a Sarah Jane De Mesa, 14-anyos at Robert Gomar, 16-anyos.

Nabatid na naganap ang sakuna sa kahabaan ng national road sakop ng Purok II, Barangay Itok, Capalonga, ng nabangit na lalawigan.

Sinasabing sakay ng dump truck ang mahigit 70 estudyante at guro ng Gonzalo Aller National High School at pabalik na sana  sa kanilang paaralan sa Barangay Alayao mula sa pagdalo sa ginaganap na palarong
pampalakasan.

Bigla umanong nawalan ng kontrol ang driver na si Joseph Florante Labor sa kanyang minamanehong dump truck dahilan para bumaligtad ito pababa sa mamalim na parte ng  kalsada.

Napag-alamang nag-request umano ang mga guro kay Capalonga Mayor Jalgalado ng pang-arkila ng bus subalit ang ibinigay ng alkalde ay garbage truck.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply