2 guwardiya na kahawig ng mga holdaper ng 7-11, inimbitahan sa MPD

INIMBITAHAN sa Manila Police District Headquarters ang dalawang guwardiya na umanoy kahawig ng mga holdaper na nanloob sa isang convenience store sa Malate, Maynila.

Ayon kay Sr.Insp. Joey de Ocampo, hindi pa itinuturing na suspek ang dalawang guwardiya dahil hinihintay pa ang mga testigo na kikilala sa mga ito kung sila nga ay kabilang sa mga holdaper na nanloob sa isang sangay ng 7-11 convenience store.

Sa ngayon, kasalukuyang pinipigil sa MPD-Homicide Section ang dalawang gwardiya na minabuting huwag munang banggitin ang kanilang mga pangalan habang patuloy na iniimbestigahan ang kaso.

Nanawagan naman ang mga guwardiya na lumutang na ang totoong mga suspek na nangholdap sa 7-11 convenience store na ikinasawi naman ng isang Amerikano na si Robert Armstrong matapos itong pagbabarilin ng limang suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply