2 hepe ng PNP sinuwag ng jeep, todas, 1 sugatan

MAGKASUNOD na binawian ng buhay ang dalawang chief of police ng Laguna Provincial police Office, habang isa pa ang nasugatan matapos  salpukin ng rumaragasang pampasaherong jeep ang nakaparadang mobile ng PNP, sa tapat mismo ng Calauan Police Detachment  kaninang madaling-araw,

Sa ulat na ipinarating sa Camp Crame ng PNP Regional Police Office 4A, dead on the spot si Victoria Municipal Police Chief Inspector Alex Marasigan habang sa pagamutan na nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas si  Calauan Police Chief Inspector Santiago Cuntapay.

Bukod sa dalawang police officials ay sugatan din si PO2 Redel Carbel sa aksidente.

Ayon kay Laguna Police chief Gilbert Cruz, naganap ang sakuna alas-5:00 ng madaling-araw nang araruhin ng jeep na minamaneho ni  Leonilo Resurreccion, 53, habang inihahanda ang kanilang PNP mobile patrol car.

“Nasa national highway po sila katapat ng mobile, nakaparada sa gilid ng detachment po namin. Nagpi-prepare na po kami, actually papunta na po kami ng Calamba for the celebration ng Crime Prevention Week. Yung mga hepe po, mga opisyal, sama-sama po kami sa isang sasakyan.”

Nabatid na sasali sana ang mga nabanggit na police officer sa isang bikathon na tampok sa kanilang anti-crime campaign nang maganap ang sakuna.

Hinihinalang nakatulog ang driver at nawalan ito ng preno ayon pa kay Cruz dahil imposibleng hindi nito makita ang nakaparadang police mobile.

Pansamantalang ikinulong ang driver ng jeep sa Laguna Police office habang inihahanda ang kasong isasampa sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply