2 holdaper utas sa engkuwentro sa Maynila

TUMIMBUWANG ang dalawang hinihinalang holdaper nang makipagbarilan sa mga kagawad ng Manila Police District matapos holdapin ang isang tindera sa Paco, Maynila kaninang madaling araw.

Inilarawan ang isa sa suspek na may edad sa pagitan ng 25 hanggang 30 taong gulang, may taas na 5’5 hanggang 5’7, nakasuot ng kulay gray na sweet shirt, jersey short at naka-bull cap habang ang kasama ay inilarawan na may edad 28-30 anyos, may taas na 5’7, nakasuot ng kulay itim na t-shirt, dilaw na belt, khaki short at itim na tsinelas.

Sa report ni PO2 Rodel Benitez ng MPD-Homicide Section, dakong 12:15 ng madaling araw nang naganap ang insidente sa kanto ng Malvar at Singalong streets., Paco, Maynila.

Nabatid kay Ma. Consolacion Nakar, 26, dalaga, isang vendor, nag-aabang siya ng masasakyang pampasaherong jeepney sa kanto ng Taft Ave., at Malvar St., Paco patungo sana ng Luneta Park nang sumulpot ang mga suspek at agad siyang tinutukan ng baril saka puwersahang kinuha ang kanyang pouch na naglalaman ng kanyang pera at cellphone.

Nang maisakatuparan ng suspek ang pakay ay saka ito sumakay sa isang nag-aabang na taxi kung saan naghihintay naman ang kanyang kasama saka pinaharurot ito sa direksiyon ng Malvar.

Tiyempo namang nagpapatrulya ang mga operatiba ng City Hall Public Assistance (CHAPA) sa pamumuno ni Senior Insp. Rolando Lorenzo kaya humingi ng tulong ang biktima at sinundan nila ang mga suspek base sa diskripsiyon ni Nakar.

Nang maabutan ang suspek ay dito na nagkaroon nang palitan ng putok na naging resulta ng pagkamatay ng mga suspek.

Nakuha sa tabi ng mga suspek ang dalawang kalibre .38 na baril habang at ang mga kinulimbat sa biktima.

Dinala ang labi ng mga suspek sa St. Yvan Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply