2 kalihim sa DILG malabo – Valte

MALABONG hatiin o magkaroon ng dalawang Kalihim ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kung saan ang isa ay  tututok sa local government habang ang isa naman ay tututok sa pulis at public safety.

Ang katwiran ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, maraming legalidad ang kakailanganin para rito bago pa maikasa.

“Sa akin pong pagkakaalam, wala pa hong mga pag-uusap na ganyan and that will require a little bit more in terms of the way it will be done. Kasi ‘yung effective creation po kasi ‘yung Office of the Press Secretary and ang DILG po as a line department mas marami hong legality that we will have to undergo. Pero wala naman po akong—hindi po ako aware of any discussions to that effect,” ayon kay Usec. Valte.

Sinabi pa rin ni Usec. Valte na kailangan na muna niyang konsultahin ang Pangulong Benigno Aquino III sa isyung ito.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply