2 karnap na sasakyan, narekober sa loob ng 1 araw sa Maynila

NAREKOBER ng Manila Police District-Anti-Carnapping Investigation Section sa loob ng isang araw ang dalawang kinarnap na sasakyan, sa magkahiwalay na lugar sa Paco, at Tondo, Manila, ayon sa ulat ng pulisya.

Unang naireport ang pagrekober sa isang Isuzu Tanker Truck (NJQ-919) na inabandona sa kahabaan ng Romualdez St., sa Paco, nitong Agosto 29 ng taong kasalukuyan. Agad na nagtungo sa lugar sina SPO1Uldarico dela Cruz; PO3 Edgar Julian at si PO3 Eduardo Garcia at namataan nila ang sasakyan.

Sa ulat ng Manila Police District-Anti-Carnapping Investigation Section, naireport ang pagkawala ng nasabing Isuzu Tanker isang araw bago natagpuan itong inabandona sa nasabing lugar.

Hindi pa man nagtatagal nang marekober ang isang Isuzu Giga Wing na kulay pula at puti (REZ-149) na naiulat na nanawala habang nakaparada sa Road 10 sa Vitas, Tondo ng dakong 10:30 ng umaga.

Naniniwala si Chief Insp. Ariel Caramoan, na takot din ang masasamang loob na tangayin ang mga sasakyan na ang tanging pakay lamang ng mga suspek ay ang laman ng sasakyan at inaabandona sa madidilim na lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply