2 kasambahay na sumaksak sa among parak, tugis

HINAHANTING na ngayon ng pulisya ang dalawang kasambahay ng isang ex Manila’s Police Finest na ang katawan ay natagpuan na tadtad ng saksak sa loob mismo ng bahay nito sa Quezon City kaninang umaga (Setyembre 5).

Ang mga kasambahay na kapwa hindi ibinunyag ang mga pangalan alinsunod na rin sa ikakasang pagtugis sa kanila ay hindi na mahagilap at sinasabing huling kasama ng biktimang si Virgilio Peskesa, 54-anyos bago natagpuan ang bangkay nito sa kanyang bahay sa Sauyo, Novaliches.

Hindi naman mabatid pa kung ano ang motibo sa pagpatay dahil kasalukuyan pa lamang inaalam ng pamilya Peskesa kung may nawawalang gamit ang kanilang pinatay na padre de pamilya.

Hindi rin isinasantabi ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit QCPD-CIDU) na posibleng sinaktan o pinagalitan ng biktima ang mga suspek kaya bilang ganti ay pinatay ito.

Bago sa pagkakatuklas ng krimen, nagpa-blotter nitong Martes ng gabi ang pamilya ng biktima dahil hindi nila mabuksan ang kanilang bahay sa kabila ng malakas na pagkatok sa pintuan ng kanilang bahay.

Sa pag-aakalang lumabas lamang ng bahay, naghintay hanggang sa sumikat na ang araw ang pamilya Peskesa pero minabuting dumulog sa pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Pero nang mabuksan na ang bahay, laking gulat ng pamilya Peskesa nang tumambad sa kanila ang bangkay ng kanilang padre de pamilya na naliligo sa sariling dugo at nakahandusay sa sahig ng kanilang sala.

Hindi na rin nadatnan sa bahay ang kanilang dalawang lalaking kasambahay na pinaniniwalaang may kinalaman sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.

Ilang saglit naman ang nakalipas, sinabi ng misis ni Peskesa na may tumawag sa kanya at sinabing nakita ang kotse ng kanyang mister sa Mexico, Pampanga.

Hinila ng pulisya na ang kotse ni Peskesa ang ginamit na get-away vehicle ng mga suspek sa kanilang pagtakas matapos ikasa ang krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply