2 kaso ng bagong respiratory virus binabantayan ng WHO

TINUTUTUKAN ngayon ng World Health Organization (WHO) ang dalawang kaso ng bagong respiratory virus na kahalintulad sa Severe Acute Respiratory Syndrome  (SARS).

Ang hakbang ng WHO ay kaugnay ng pag-alerto ng British Health Authorities sa United Nations tungkol sa isang 49-anyos na pasyente mula Qatar na nasa malalang kondisyon matapos makitaan ng Coronavirus o virus na sanhi ng Common Colds at SARS.

Nabatid na ang pasayenteng may sakit ay nagmula sa Saudi Arabia bago inilipad sa London, kung saan ito nagpapagaling ngayon.

Ang virus na umatake sa naturang pasyente ay halos kapareho ng virus na naitala sa isang namatay na 60-anyos na pasyente na isang Saudi National.

Sa ngayon ay patuloy ang pag-aaral ng WHO upang malaman ang posibleng implikasyon sa Public Health ng dalawang kaso bagamat hindi pa naman ito nagrerekomenda ng Travel Restrictions sa mga naturang bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply