2 kelot arestado sa pekeng pera sa Caloocan

SWAK sa kulungan ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng labing tatlong libong piso (P13,000) na huwad na salapi sa Barangay Kaybiga Caloocan City, kagabi (Setyembre 10).

Nahaharap sa kasong paglabag sa pagpapakalat ng pekeng salapi sina Joel Pastolero, y Aurella, 41, may asawa, ng Gen.T. De Leon at Fabian Martinez, y Cureg 44, may asawa, vendor, ng Santiago St., Paso de Blas pawang sakop ng  Valenzuela City.

Ayon sa ulat, dakong alas 9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa gate ng Kaybiga Cockpit sa  nasabing lungsod.

Nabatid, pumasok ng gate sa nasabing sabungan si Pastolero para mamusta sa sabong ngunit nadiskubre agad ng takilyera na peke ang ibinayad nitong one thousand peso bill (P1,000 bill) kaya agad ipinagbigay alam sa mga awtoridad.

Agad namang tumalima sa nasabing sabungan ang elemento ng Caloocan police at inabutang namumusta ang suspek sa loob ng arena kaya agad itong inimbitahan ng pulisya at nakuha sa kanyang pag-iingat ang walong piraso ng pekeng tig-iisang libo (P8,000).

Habang nabawi rin kay Martinez, kasabwat ng una, ang limang pekeng isang libong piso (P5,000).

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam kung ano ang kinakaanibang grupo ng mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply