2 kelot nagpagkamalang holdaper, gulpi sa taumbayan

NAGMISTULANG punching bag ang dalawang lalaki matapos kuyugin at bugbugin ng taumbayan nang mapagkamalang holdaper kagabi sa Sampaloc, Maynila.

Ayon sa report ng Manila Police District Station 8, dakong alas-11:00 kagabi nang mapagkamalang holdaper na riding in tandem sina Jomar Dela Serna at Feliciano Lacson.

Nabatid na sakay ang dalawa sa isang motorsiklo at pagsapit sa may M. Dela Fuente Street sa Sampaloc, Maynila ay nabangga nila ang isang Indian national na sakay din ng motorsiklo.

Nagkaroon umano ng tensyon nang sumigaw ang dayuhan na “holdap” kaya naman mabilis na sumugod ang taumbayan at pinatulungan gulpihin ang dalawa.

Pinagahahampas din umano ng bote ang mga biktima hanggang sa nawalan ng malay tao saka iniwang nakabulagta sa kalsada.

Bigla namang naglaho na parang bula ang dayuhan.

Kasalukuyang ginagamot ang mga biktima sa ospital.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply