2 kelot na naglalakad, pinagbabaril, 1 patay, 1 sugatan

DEAD-ON-ARRIVAL ang isang lalaki, habang sugatan naman ang kasamahan nito matapos magtamo ang dalawang tama ng baril sa Sitio Damayan, Barangay 105 Pier 18, Vitas Tondo, Manila City  kagabi.

Kinilala ang mga biktima na sina John John Orsan, 16, isang pulubi,  ng Sitio Damayan, Barangay 105 Pier 18, Vitas Tondo, Manila City at John Doe, 45, may taas na 5’7, may katamtamang pangangatawan at may tattoo na “Beth” sa kaliwang dibdib.

Ayon sa pahayag ni SPO2 Ben Faustino, ng Manila Police District (MPD), Homicide Section, kaswal na naglalakad ang dalawang biktima sa kahabaan ng Sitio Damayan nang biglang pagbabarilin gamit ang di pa alam na kalibre ng baril ng di pa nakikilalang mga suspek na naging dahilan ng pagkamatay ng isa at pagkasugat ng isa pa.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaril.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply