2 Koreano nagbangayan sa hotel, binitbit ng pulis

BINITBIT ng mga pulis ang dalawang Koreano na nagbangayan at lumikha ng iskandalo kaninang umaga sa isang kilalang hotel sa Maynila.

Ayon kay SPO1 James Poso, imbestigador ng Manila Police District-General Assignment Section, binitbit ng mga tauhan ng MPD Pedro Gil PCP sa headquarters  ang dalawang Koreano na sina Lee Dong Ho , 42, Korean national, tubong 642 Bank Ho Pang Do Bung Go Seoul, Korea; Jung Young Suk, 36, pansamantalang nanunuluyan sa 315 Malate Pension House at tubong 139-39 Wonsedong Jungno Seoul, Korea.

Nabatid na dakong alas 10:00 kaninang umaga nang mag-cross ang landas ng dalawang Koreano sa Hyatt Hotel sa may Adriatcio St. Malate, Maynila at nagkaroon ng mainitang pagtatalo hinggil sa umanoy pagkakautang ni Suk kay Ho na halagang P16,000.00 noong July 20,2012.

Dahil sa pag-aalala ng mga hotel staff na mauwi sa mas malalang alitan ang pagtatalo ng dalawa ay tumawag ang Hotel Security Guard ng assistance sa pulisya ng Pedro Gil PCP.

Sumama naman ang dalawa sa pulisya nang dalhin sila sa headquarters upang duon na lamang magharap at pag-usapan ang kanilang problema.

Ayon kay Poso, nagkasundo umano ang dalawa na magbabayaran sa Oct. 10 at kapag hindi umano tumupad si Suk ay kakasuhan ito ng civil case.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply