2 kotong cops kakasuhan

NA-TRAUMATIZED ang anak ni National Capital Region Police Office head Chief Superintendent Leonaro Espina kaya hindi pa nito kayang magsampa ng kaso laban sa dalawang Quezon City cops na nangotong sa kanya nitong Martes ng gabi.

Pero sinabi ni Espina na hihintayin niyang makabawi muna mula sa masamang karanasan ang kanyang anak kahit sinabi ng Quezon City Police District (QCPD) na tumatakbo na ang administratibo at kriminal na proseso laban kina SPO4 Jose Joey dela Pena at P02 Resty del Rosario, kapwa nakatalaga sa Mobile patrol unit ng QCPD.

“Naging traumatic ito sa aking anak. Hindi pa siya nagfa-file ng reklamo. In due time simula yan, napakamahiyain at napakabait na bata,” pahayag ni Espina.

Nitong nakaraang Martes ng gabi, tinangkang kotongan nina Dela Pena at Del Rosario ang anak ni Espina na kanilang inakusahang sangkot sa sex phone sa loob ng kanyang kotse habang nakarapada sa Don Hemady, sa New Manila, Quezon City.

Sa dalawang kotong cops, si PO2 Resty del Rosario pa lamang ang lumutang nitong nakaraang Huwebes pero depensa nito na sinusunod lamang niya ang utos ng kanyang superior na si SPO4 Dela Peña, na nananatiling nakakawala at pinaniniwalaang nagtatago na sa batas. Dala pa rin nito sa kanyang pagtatago ang kanyang service pistol.

Sinibak na ang dalawa sa kanilang posisyon at ngayon ay nasa floating status.

Nabatid pa na si Del Pena ay nagkaroon na rin ng kasong extortion pero sa hindi malamang dahilan ay naibalik pa rin ito sa Mobile Patrol Unit ng QCPD na ang nasabing sasakyan ang siyang ginagamit nito para mangotong sa mga motorista.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply