2 magkasunod na lindol naitala sa E. Samar

DALAWANG magkasunod na lindol ang muling naramdaman sa Eastern Samar bago maghatinggabi kagabi.

Nabatid sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na naramdaman ang unang pagyanig bandang alas-10:48 kagabi kung saan naitala ito sa magnitude 5.4 sa  may layong 124 kilometro silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Sinundan ito bandang alas-11:18 ng gabi na may magnitude 4.8 sa bayan ng Guiuan.

Kapwa tectonic in origin ang pinagmulan ng dalawang magkasunod na lindol.

Una nang naramdaman ang 4.8 magnitude kahapon bandang alas-3:32 ng hapon sa silangan ng Burgos, Surigao del Norte.

Wala namang naitalang pinsala at inaasahang aftershocks pa sa naturang lalawigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply