2 mandurukot kulong sa biniktimang sekyu

KULONG ang dalawang mandurukot matapos biktimahin ang isang sekyu na kasakay sa Light Rail Transit sa Caloocan City.

Nakilala ang mga suspek na sina Raymond Gutlay, 26, at Arnold Leoponido, 34, ng Sampaloc, Manila.

Sa pahayag ng biktimang si Richard Villaluz, 34, dakong alas-6:45 ng gabi, katabi niya ang mga suspek sa LRT at bago sumapit sa Monumento Station ay napansin nito na binubunggo siya ng dalawa.

Pagbaba sa Monumento Station ay agad na kinapa ng biktima ang kanyang cellphone na nagkakahalaga ng P35,000 subalit wala na ito na naging dahilan upang humingi ng tulong sa mga guwardiya at hinabol ang dalawang suspek.

Nadakip naman ang mga suspek na umamin sa ginagawa dahil umano sa pangangailangan subalit hindi na nabawi ang cellphone ng biktima.

Inaalam na ng mga pulis kung may kasabwat pa ang mga suspek na posibleng naipasa agad ang nawawalang cellphone.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply